Inamin ng social media personality na si Xander Ford na binayaran umano siya para i-bash at gawan ng content ang kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz ay nakapanayam niya si Xander at inamin nito ang nabanggit sa taas.

Gusto raw niya na personal na magsorry kay Kathryn dahil sa pamimintas niya nito noon.

Read Also: Sharon Cuneta sinita si Mavy Legaspi matapos tawagin siyang "Ms"

"Actually po, nanghingi po ako ng sorry sa mga fans. Pero ‘yung isang pangarap ko po talaga na makaharap si Ate Kathryn nang personal, na makapaghingi ako ng sorry,” sabi ni Xander  

"Actually, dun sa content na ‘yun, labag po sa kalooban ko ‘yun. Sabihin na natin na content. Kinontent, bayad ako,”paliwanag ni Xander sa pambabash niya noon kay Kathryn 

Ngunit may paki-usap naman si Xander sa mga patuloy parin na nambabash sa kanya.

 “Okay lang po kami ang ibash ninyo, ‘wag lang po ‘yung magiging baby namin. Please lang.”sabi niya 

Wala namang binanggit si Xander na pangalan kung sino ang nagbayad sa kanya para ibash si Kathryn.

Si Kathryn Bernado ay isang sikat na actress dito sa Pilipinas. Isa si Kathryn sa mga original cast ng comedy gag show na Goin Bulilit. 

Isa rin sa mga teleserye na tumatak ng Publiko sa galing ni Kathryn sa pag-arte ay ang Mara Clara kung saan kasama niya si Julia Montes.

Si Kathryn din ang reel at real life loveteam ng actor na si Daniel Padilla.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post