Sharon Cuneta and Mavy Legaspe(Larawan mula sa Google)

Pabirong sinita ni Megastar Sharon Cuneta ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaruel na si Mavy Legaspi matapos siya nitong tawaging "Ms" o "Miss". 

Kamakailan lang kasi ay nagkomento si Mavy sa isang instagram post ni Sharon kung saan pinasalamatan niya si Megastar dahil itinampok siya sa isang magazine, kagaya rin ng anak nina Mega at dating senador na si Atty. Kiko Pangilinan, na si Miel Pangilinan. 

"Thank you so much po, ms. @reallysharoncuneta! wooohooo congrats @mielpangilinan!” komento ni Mavy

Matapos makita ni Sharon ang komento ni Mavy ay pabiro niya itong sinita dahil sa pagtawag sa kanyang m"Ms".

“@mavylegaspi Anong ‘Ms.?!!!’ Your Mama is my sister too! Ask her!? And you and Cassie and I have the same birthday anak! Thanks so much Mavy! Tell Mama I love her and miss her please! @mina_villarroel,” sabi ni Sharon 

Screengrab mula sa IG ni Sharon Cuneta

Si Sharon Cuneta ay isang Filipino actress, singer, television host, at socialite. Siya at tinaguriang "Megastar" ng Philippine Television.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post