Viral ngayon sa social media ang video ni Andi Eigenmann na gumawa ng sariling "dried fish".

Sa kanyang youtube vlog ay ipinakita niya ang paggawa niya ng dried fish.

Medyo hindi pa marunong si Andi na humiwa ng isda kaya nagpaturo muna siya sa isang batang lalaki.

Matapos maturuan ay siya na mismo ang naghiwa ng isda.

Pagkatapos ay nilagyan na nila ito ng asin at iba pang pangpalasa. 

Pagkatapos ay ibinilad na nila ito sa bubong ng isang bahay.

Pwede mong panoorin ang kabuuang video dito:

Si Andi Eigenmann ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Isa sa nagawa niyang serye na tumatak sa publiko ay ang pagganap niya bilang Agua Bendita na kung saan nakasama niya sina Matteo Guidicelli at Jason Abalos.

Si Andi ay ang anak ng actress na si Jacklyn Jose. 

Sa ngayon ay hindi na gumagawa si Andi ng nga teleserye at pelikula. Kasalukuyan na siya ngayon naninirahan sa Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post