Dumalo para magtestemonya ang model na si Deniece Cornejo sa huling araw ng bail petition hearing ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.

Kasama niyang pumunta ang kanyang abogado na si Atty. Howard Calleja para sa cross examination.

Base sa video na ibinahagi ni Luisito Santos ng DZBB Super Radyo ay hindi na nagbigay ng pahayag si Cornejo sa mga taga-media.

Tuloy lang siya sa paglakad papunta sa kanyang sasakyan sa kabila ng paghingi ng ilang taga-media ng pahayag mula sa kanila. 


Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post