Inamin ng dating kapamilya tv-host na si Toni Gonzaga na isa siya sa mga taga-showbiz na nakungkot at nadismaya sa pagkakakulong ni Vhong Navarro dahil sa mga kasong kinakaharap nito.

Sa isang panayam, ay sinabi ni Toni na ipinagdarasal niya si Vhong na mapadali ang proseso ng kanyang kaso.

Isa rin sa pinagdarasal ni Toni ay ang kaligtasan ng actor.

“Siyempre hindi mo maiaalis na malungkot. Ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. All I can offer now is prayers," aniya.

Matatandaan na naging leading man ni Toni si Vhong sa mga pelikulang “D Anothers” (2005 ) at “My Only You” (2008). 

Panoorin dito ang interview ni Toni sa tatak na 8:27 ng video:

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.

Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa mga main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post