Talagang di mapigilang magreact ni Anne Curtis sa nagviral na "How Far Will I'll Go"  performance ni Janella Salvador.

Sa instagram post ni Janella, ibinahagi nito ang video ng kanyang pagkanta ng "How Far I'll Go" sa launching kamakailan ng Disney+ dito sa Pilipinas.

"…and that’s on being a Disney girl for life. The moment we’ve been waiting for is here — #DisneyPlusPH has arrived! Hope you enjoyed our number as much as you’re going to enjoy binge-watching your favorites. xx your Filipina Moana," sabi ni Janella sa kanyang post 

Maraming netizens ang humanga sa galing ni Janella sa pagkanta ng nasabing kanta. Ilang artista rin ang napacomment at isa na rito si Anne Curtis.

Ayon kay Anne , kiligin raw si Dahlia kung siya ang kumanta nang gaya kay Janella dahil favourite umano nito ang Moana.

"How to be you!!!!!! If I could sing that song, like that…. my daughter would be so kilig! Moana is her faaaaaave! Galing galing mo," sabi ni Anne  

Narito ang buong performance ni Janella.

Si Anne Curtis ay kilalang tv host, actress at model dito sa Pilipinas. Isa sa mga tumatak na serye ni Anne Curtis sa manonood ay ang seryeng Diyosa. 

 Samantala kasalukuyan namang ngayon main host si Anne Curtis sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post