Rochelle Pangilinan ibinahagi ang masayang experience nang makapunta sa ABSCBN

 

Ibinahagi ng kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ang masaya niyang experience nang makapunta siya sa ABSCBN. 

Pumunta si Rochelle sa ABSCBN dahil sa gaganaping media conference para sa pelikulang "Labyu with an Accent".

Ang nasabing pelikula ay isang MMFF entry na pinagbibidahan nina Coco Martin, Jodi Sta. Maria, Joross Gamboa at Rochelle.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Rochelle ang video ng kanyang masayang pagpasok sa nasabing building.

Sabi niya: “Sobrang saya ng puso ko kahapon! Mejo high pa sa mga kaganapan hanggang ngayon. Last 2002 pa yata ang huling punta ko sa ABS.

“Nakabalik ako kahapon for the Grand Mediacon ng Labyu with an Accent!Entry for MMFF 2022! Nakakakilig!” 

Pinasalamatan din niya ang kanyang home network.

Sabi niya: “Gusto kong magpasalamat sa GMA dahil pinayagan akong gawin ang movie at umattend kahapon to promote the movie!. 

“Thank you PPL Entertainment Inc! Syempre my manager @ppl_perrylansigan lab you!” 

Pinasalamatan din niya si Coco, ang star Cinema at ibang pang kasama aat bumubuo ng pelikula sa kakaibang experience.

“Kakaibang experience ito para sa akin. Thankful ako kay Coco at sa StarCinema for giving me a chance na makasama ako sa movie at magampanan ko ang role ni Daisy.” 

“Salamat sa masayang memories kasama ang buong cast ng movie.” 



Si Coco Martin ay isang actor, director, at film producer dito sa Pilipinas. Siya ay kilala sa pagbida niya sa mga ABSCBN hit series na Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at FPJ's Ang Probinsyano.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form