KathNiel magpapakasal na raw next year ani source ni Cristy Fermin

 

Magpapakasal na raw ngayong darating na 2023 ang longtime real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng beteranang columnist na si Cristy Fermin ang ibinunyag ng kanyang source.

Ayon kay Fermin, wala pa man daw nagaganap  na proposal ay tila magaganap na sa 2023 ang maituturing na magiging 'wedding of the century.' 

"Kung kailan po next year, 'yun po ang tandang pananong sa atin," sabi niya

 "Pero 'yun po ang kanilang paniniwala. at ako, sumasang-ayon ako" dagdag pa nito 

"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," paglalahad pa ng beteranang columnist 

Bukod din sa sakto na sila sa edad ay sapat na rin daw ang kanilang pundasyon na umabot ng 11 years ang kanilang relasyon.

Panoorin: 

Read Also: Video ng pagbirit nina Anne, Jackie at Kim ng kantang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" viral na

Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Nagustuhan mo ba? Kung may suhistyon ka ay mag-iwan ng iyong komento sa ibaba. Maraming salamat ka-tabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form