Di mapigilang magreact ni Billy Crawford sa pag-congratulate ni Luis Manzano sa kanya ng manalo ito sa French edition of 'Dancing With The Stars', na 'Danse Avec Les Stars.' 

Nakakatuwa kasi ang pag-congratulate ni Luis kay Billy dahil sa ginamit nitong larawan na kalook-alike nilang dalawa.

"Congrats @billycrawford for winning Dancing with the stars! Proud of you!" "sabi ni Luis kay Billy sa kanyang viral niyang post sa instagram 

Maraming namang netizens ang natawa sa nasabing post ni Luis.

Kaya naman sa comment section ng nasabing post ni Luis ay nagbigay ng kanyang reaksyon Billy. 

Medyo natawa si Billy at pabirong sinabihan niya si Luis na magbago na ito dahil magkakaroon na ito ng anak.

"Hahahahahahahahahahaha sira ulo ka Talaga paps! Magbago ka na May anak ka nang parating," sabi ni Billy kay Luis 

Photo Screenshot from: Luis Manzano/@luckymanzano 

Si Luis Manzano o mas kilala sa nickname niyang Lucky ay isang Filipino-American TV host, actor, comedian, VJ, and model. 

Siya ay anak ng beteranong actor na si Edu Manzano at ng beteranang actress at ngayon isa ng politiko na si Vilma Santos.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post