Naglabas na ng pahayag ang abogado ni Vhong Navarro sa natapos na bail hearing ng actor nitong Huwebes November 5.
Sa nasabing hearing ay dumalo si Deniece Cornejo para i-counter ang petisyon ni Vhong samantalang ang actor naman ay dumalo sa pamamagitan ng video conferencing.
Sa video na ibinahagi ni Bryan Castillo ng News 5 ay sinabi ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Magallona na ginawa nila ang kanilang best at ipapanalangin nila ang maging disesyon ng korte.
“I'm praying. I think that we have done enough but as I said ayaw nating pangunahan 'yung korte. Ang prayer natin is sana kung ano man 'yung gusto nating ipalabas ay makita ng korte.” sabi Atty. Magallona
"Uulitin ko, hindi ako makapagsabi ng maga-grant ng bail na si Mr. Vhong Navarro. Hindi ko masasabi na confident na confident kami. That is a function that the court has to perform for itself.”sabi pa niya
“All I can say, nagtrabaho kami nang lahat. Lahat ng katotohanan ayon sa nangyari,” dagdag pa nito
Narito ang video:
Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys.When asked whether she is satisfied with how the entire petition for bail hearing went through, detained TV host Vhong Navarro’s legal counsel Atty. Alma Mallonga said they did everything to bring out the truth in favor of his client. @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/xZHJUNhXYp
— Bryan Castillo (@BryanCastilloPH) November 10, 2022