Di mapigilang supalpalin ni Vice Ganda ang basher na umukray sa itsura ng buhok ni Ivana Alawi sa teaser ng kanilang pelikula na "Partners in Crime" na itatampok sa Metro Manila Film Festival.

"Pag eto nagkamake over tas naging straight yung buhok… lordddd nagsstart pa lang ako makakita ng maraming tao na inaaccept yung curly hair nila, step backwards na naman po ata ang magaganap" sabi ng netizen sa isang tweet

Sinagot ito ni Vice at sinabihan abg basher na walang mali sa kulot na buhok ni Ivana sa pelikula.

"Anung mali pag ginusto at pinili ng isang taong kulot ang buhok na ipaunat ang buhok nya? Walang mali sa kulot. At wala ring mali kung gusto nyang ipaunat ito. Ang mali ay ang baluktot ang pananaw mo at nagpapanggap kang tuwid! Ang mali ay ung ang nega nega nega mo!!!!!" sabi ni Vice 

Sa iba pang reply ni Vice Ganda sa tweets ng netizen, sinigurado naman nito na hindi nila gagawing katatawanan ang itsura ng karakter ni Ivana sa nasabing palabas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post