Nakatakda ng magkaharap ang television host na si Vhong Navarro at ang model na si Deniece Cornejo sa darating na Oktobre 11 para sa arraignment sa korte sa Taguig.

Kaugnay ito sa kasong r@pe na isinampa ni Cornejo laban kay Vhong.

Inaasan na pupunta sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo sa korte na kung saan babasahan ng demanda ang komedyante sa sala ni Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 Judge Loralie Datahan, sa Martes, dakong 1:30 ng hapon. 

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.


4 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Godbless kuya vhong .. alam ni lord na inusente ka .. miss na po namin kayo sa showtime .
Anonymous said…
Kuya vhong lalabas din po Ang totoo mag ingat ka po Lage Marami Ang nagmamahal sau tiwala lang po Kay god.
Anonymous said…
Huwag ka po mawalan Ng pag asa kuya vhong Hindi natutulog Ang dios,kahit ano po hawin nila lalabas din po Ang totoo pakatatag ka po Anjan po family ninyo nagmamahal sa inyo at kami po mga naniniwala po sa inyo.we love you
Anonymous said…
ipadarasal kita vhong.kasi alam namin na nasa tama ka.ang mga sinungaling na tao ay mappunta sa impyerno.
Previous Post Next Post