Muling tinalakay ni Cristy Fermin sa kanyang online show na showbiz now na ang tungkol kay Vhong Navarro.

Sa kanyang show ay sinabi niya na dapat raw marunong makisama si Vhong sa kanyang mga kasamahan kung mailipat na ito sa Taguig City Jail.

“Alam po natin, mga ka-chika, kung ano ang nagaganap sa mga city jail. Alam po natin 'yan, hindi na po tayo ipinanganak kahapon para maitago 'to at maikubli sa'tin ang mga kaganapan sa loob. At 'yun ang kinatatakutan ng kampo ni Vhong Navarro,” sabi ni Fermin 

“At saka sikat siyang personality. Baka mamaya pagsayawin siya du'n dahil magaling siyang dancer. Alam mo naman diyan, may laro diyan, may pinakamayor diyan,” sabi pa niya

 “Dapat talaga marunong siyang makisama para 'yung mga kasama niya sa loob ay makisama rin sa kanya.” dagdag pa ni Fermin

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post