Tapat na inamin ng actress na si Andrea Brillantes na siya ang nagfirst move sa relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Sa kanilang vlog, ay sinagot nila ang ilang katanungan ng netizens at isa sa mga tanong kung sino ang naglakas loon ng magfirst move.

Ayon kay Ricci si Andrea raw. "Ngayon po, itong relationship na ‘to, siya" sabi ni Ricci 

Hindi naman nakapalag si Andrea at inamin rin niya ito.

"Oo. Dati kasi, nagchat na sa akin si Ricci sa private account ko. Nag-DM siya sa akin pero hindi ako nagreply sa kanya nung time na ‘yun. Tapos, ‘yun na nga, nagkita na kami. After nung Xylo, nag-follow siya ulit,” 

Ibinahagi rin ni Andrea na nag-unfollow rin sila dati sa isat-isa.

"So dati, nag-follow kami sa isa’t-isa tapos nag-unfollow din kami sa isa’t-isa. Nasa IG stories ka kasi ng mga friend ko tapos ang sabi ko sa sarili ko, ‘Inunfollow ko siya dati, follow ko kaya ulit,’” ani Andrea. 

“Kasi nag-post siya ng astrology tapos sabi ko ‘Wow, you’re into astrology also’ kasi nga ‘di ba, mahilig po ako ako sa mga zodiac sign. So parang natuwa lang ako. Lalaki na mahilig sa astrology,” dagdag pa niya. 

Panoorin dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post