Sa isang panayam ng Philippine Entertainment Portal sa batikang actress na si Sylvia Sanchez ay may urgent na kahilingan siya sa anak niyang si Arjo Atayde at sa magiging "manugang" niya na si Maine Mendoza.

Sa nasabing panayam ay inilahad ni Sylvia ang kanyang suporta sa kanyang anak at kay Maine tungkol sa pagpakasal nito.

 "Bahala sila sa buhay nila! Matatanda na sila at desisyon nila kung ano mang gusto nila. Hindi ko sila pakikialaman. Kung saan sila masaya, doon ako." sabi ni Sylvia 

Peru isa lang ang request ni Sylvia para sa dalawa pagkatapos nitong ikasal.

Sana raw ay bigyan siya agad ng apo.

 "Sana huwag lang magtagal, bigyan na nila akong apo. Huwag naman five years! Matanda na ako!"sabi ni Sylvia 

Matatandaan na noong July 30, 2022 ay open arms na tinatanggap ni Sylvia si Maine bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya matapos magpropose si Arjo.

"He asked Her and She said, YES!!! Finally!!

"Welcome to the family, Maine. Thank you for loving my son. Love you Nak. 

"I promise that I will take care and love you as my own Daughter "sabi ni Sylvia sa kanyang post

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post