Neregalohan ng bagong cellphone ni Sharon Cuneta ang kanyang bunsong anak na si Miguel na nagdiwang ng kanyang ika-13th birthday nito lamang October 29.

Medyo kakaiba ang gift ni Sharon na cellphone di gaya ng nakasanayan lalo't hi-tech na abg panahon ngayon.

Ang gift ni Megastar kay Miguel ay isang keypad phone ng Nokia! 

“Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27.) He likes ‘having two birthdays!’) and got a new, simple phone,” ani Sharon sa Instagram.

Ayon kay Sharon, simpleng phone din umano ang ginamit ng kanyang mga anak noon na sina Kakie at Miel.

“All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one,” chika ni Sharon.

Narito ang kanyang post:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post