Hinamon ng dating wowowin dancer na si RR Enriquez ang actress na si Ivana Alawi na umanoy magpaseksihan sila ni Ivana Alawi.

Nanggigil raw siya sa actress, dahil crush raw ito ng dati niyang dyowa na si dating Barangay Ginebra star Jayjay Helterbrand.

"Alam n’yo, gigil na gigil talaga ako diyan kay Ivana dahil ang seksi-seksi, ang ganda-ganda. Cute-cute na bata. Hindi lang ‘yun, kasi crush din siya ni Jayjay. Kaya happy ako na may nagsabi na mas seksi ako kay Ivana,” ani RR.

“Kaya kung nanonood ka man Miss Ivana Alawi, alam mo, gusto kitang hamunin. Magpaseksihan tayong dalawa. Tingnan talaga natin kung sino ang may asim pa sa ating dalawa. Ang 39 o ang 23? Charot!” sambit pa ng “Sawsawera Queen”. 

"Alam mo kung bakit gusto kitang labanan ng paseksihan? Kasi ‘yung dyowa ko may crush siya sa’yo! Crush na crush ka ni Jayjay! Natatandaan ko meron kaming vlog, ang topic si Ivana. Jojowain o totropahin. Sabi ni Jayjay, ‘jojowain’. Naseseksihan daw siya sa’yo. Ako naman ‘yung confidence level ko nun bumaba. Charot!” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post