Gusto ng lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales na magka-aregluhan na lang umano ang kanyang apo at ang Its Showtime host na si Vhong Navarro.

Ito ang ibinahagi nang nasabing lolo ni Deniece sa isang interview na ipinost ng ABSCBN News Reporter na si Niko Baua sa kanyang twitter.

Aniya personal raw niyang opinyon ito.

Panoorin dito:


Samantala kasalukuyan ngayong nakadetain si Vhong sa NBI Detention Center.

Matatandaan na sumuko si Vhong noon sa National Bureau of Investigation matapos lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya sa kasong acts of lasciviousness.

Hindi na nakalabas ang actor sa detention cell ng NBI dahil may lumabas pang isang warrant para naman sa kasong r@pe na isinampa rin ni Deniece. 

Ang r@pe ay walang piyansa kaya hindi na nakalabas si Vhong.


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
No need na mag aregluhan.. sinira ni Denise ang pagktao ni vhong... Dpt lng ikulong si Denise.... Perjury case
Previous Post Next Post