Tinanong ng kilalang vlogger na si CongTV ang actor na si James Reid kung payag ba raw ito na maging ninong sa kanyang anak.

Hindi na raw kailangan pumunta ni James sa binyag. Para lang daw maipamalita niya sa kanila na ninong ng anak niya si James. 

Kuha ang nasabing video na ipinost ni Cong sa kanyang youtube channel sa shooting ng commercial ng isang softdrinks.

“Can you be the father of my baby? Ay, godfather. I’m sorry I’m nervous eh,” ani Cong kay James. “Maybe you want to be the father?" 

“By the way James, is that a yes — the godfather thing? You don’t have to attend the ceremony. So I can just, you know, maipamalita ko lang sa amin na ninong ka,” sabi pa ni Cong 

Hindi naman tumanggi si James sa alok ni Cong sa kanya.

"Okay, why not? Just, I don’t want to be the father,” sabi ni James 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post