Usap-usapan ngayon sa social media ang hugot ng self proclaimed Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza kaugnay sa sahod ng mga manggangawa sa bansa.

Sa kanyang post sa Facebook, na ngayon ay nagviral na at umabot ng 98k reactions at 41k shares as of this writing ay inilabas ni Xian ang kanyang saloobin.

Ayon kay Xian konti lang daw ang sahod ng ilang manggangawa sa Pilipinas kahit nag-aaral ng mahigit isang dekada.

"Mag-aaral ka grade 1 to grade 12 plus 4 years sa college tapos papasahurin ka ng 20K per month hay nako t*ng*n*ng buhay yan napaka-unfair. "sabi ni Xian 

Manghihingi pa raw ng 2 years na experience ang ilang kumpanya bilang requirement kahit kaya naman raw itong matutunan ng isang buwan.

"Manghihingi pa yan ng 2 years experience kahit pwede mong matutunan yung trabaho sa 1 month training," saad pa ni Xian

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post