Ipinakilala na rin sa wakas ni Dawn Chang sa publiko ang kanyang boyfriend.

Sa kanyang post sa instagram, ibinida ni Dawn ang sweet na larawan nila ng kanyang boyfriend na si Atty. Ralp Calinisan.

Binati ito ni Dawn sa kanyang birthday.

Sabi niya: "Para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko. Maligayang kaarawan saiyo."sabi ni Dawn

"May God continue to protect and guide you dahil napakabuti ng puso mo. Kasama mo ako sa kahit na anong laban. Mahal kita." dagdag pa niya

Samantala nagpost rin sa social ang boyfriend ni Dawn at nagpapasalamat ito sa kanya.

"Para sa prinsesang matiyagang umuunawa, nagtitiis at sumusuporta sa aking mga tinatahak, maraming salamat. Malupit ang super powers mo, at napagtiyagaan mo ako.Dawn talaga ako sa huwarang kabiyak. Mahal kita.@thedawnchang" sabi ni Ralph 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post