Ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang show na handa umanong tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro na nahaharap ngayon sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Ayon kay Cristy may napapanood umano siyang vlogs at may nabasang reports na handang tulungan ni Willie si Vhong.

"Tapos meron pang napanood ako kanina sa isang vlog, tapos nabasa ko rin sa pahayagan, handa raw tulungan ni Willie Revillame si Vhong Navarro sa kanyang kinahihinatnan."sabi ni Cristy 

Matapos nito ay inalala rin ni Cristy ang umanoy pagtulong noon ni Willie kay Vhong noong itoy na-ospital.

Nagbigay umano si Willie ng isang milyong cheque.

"Alam niyo po, hindi lang ngayon. Eto po ah, hindi na ako magpapaalam kay Willie Revillame pero totoo at alam ko po ang katotohanan. Dumalaw po sa Willie Revillame noon sa ospital, kay Vhong Navarro, nag-iwan siya ng P1 million na tseke."sabi pa ni Fermin 

“Ang sabi niya kay Vhong, 'Lipat ka ng kwarto, 'yung mas malaki. Kasi napakaliit nito, kapag sabay-sabay na dumalaw ang mga kasamahan at kaibigan mo, mapupuno.' Tapos 'yung mga doktor, parang magkakapalitan na sila ng mukha. Nag-iwan ng isang milyon na tseke si Willie Revillame, hindi lang po ngayon. Noon pa man po.” dagdag pa nito 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post