Labis na nag-aalala ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro kung mailipat umano ang kanyang asawa sa sa Taguig.

Isa ito sa kanyang mga saloobin ng humarap siya sa media sa isang interview ng reporter na si MJ Marforie.

Iginiit kasi ng kampo ni Deniece Cornejo na dapat raw ay mailipat na ang actor sa Taguig City Jail dahil doon ito nakatakdang litisin.

"Lalaban kami, may case na, e. Lalaban kami at alam ko mapapanalo namin ‘to. But for the meantime, at least yung security niya, natatakot ako for him pag malipat siya sa Taguig." sabi ni Tanya 

Ibinahagi rin ni Tanya na suporta umano ng mga documents at ebedensiya ang mga salaysay noon ni Vhong kaya ang ipinagtataka niya ay kung bakit raw muling nabuksan ang kaso nito.

"Suported yun ng mga documents or sa kung anumang ebidensiya na ibinigay namin. So, hindi ko alam kung anong nakikita nilang probable cause."sabi ni Tanya 

Narito ang buong interview:

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Don't worry madam Navarro, pag WALANG kasalanan si Vhong Navarro lalaya siya . ALLAH DOES NOT CLOSES HIS EYES PARA SA MGA TAONG INAAPI AT KINUKUTUNGAN
Previous Post Next Post