Nanawagan ng panalangin ang Its Showtime host at komedyanteng si Vice Ganda sa viral video ng sa isang magsasaka ng Nieva Ecija.

Sa nasabing video ay tila malungkot ang nasabing magsasaka para sa kanyang pananim na palay na maaring masira kung hahagupitin ng bagyong Karding.

Niretweet ni Vice ang nasabing video na ipinost ng netizen.

"I'm crying my heart out watching this, a video from one of the hardworking farmer here on my province .Oh God..please keep us safe #KardingPH" sabi ng netizen na nagpost sa nasabing video 

Matapos itong makita ni Vice ay ni-retweet niya ang nasabing post at nananawagan siya ng panalangin para sa nasabing magsasaka.

"Panginoon hinihiling po namin ang kaligtasan ng mga magsasaka at ng kanilang mga pananim. Sagipin nyo po sila. Amen. "sabi ni Vice sa kanyang tweet 

Tingnan dito:



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post