Humahagulgol diumano ang actor na si Vhong Navarro sa loon ng piitan ayon sa source ng beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Inilahad niya ang balitang ito sa kanyang online show na "Showbiz Now Na". 

“Merong isang nagkwento sa akin na kaibigan na humahagulgol si Vhong Navarro sa loob ng piitan,” sabi ni Fermin 

Pagpatuloy pa ni Fermin: "Sabi ko nga, wala pong kasong maliit at kasong malaki. Basta kaso, dalahin po natin 'yan sa ating dibdib, sa ating puso. Ito 'yung mga gabi na gustong matulog ni Vhong Navarro pero hindi po siya dinadalaw ng antok. Totoo 'yan, diba?”  

Nagreact naman ang kasama ni Fermin na si Rommel at sinabi nitong: "Oo Nay, kasi 'yung lungkot at pag-iisa mo na may kaso ka sa labas na hindi mo alam kung anong mangyayari." 

Sabi naman ni Fermin: "At 'yung pag-iintindi mo sa pamilya mo. Sa iyong ina na hindi nagpapa-interview dahil baka kung ano raw ang kanyang masabi, sa kanyang mga anak, mga anak nila ni Bianca Lapus, sa kanyang misis na si Tanya, sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang mga tagahanga,”  

Hirit naman ng kasama ni Fermin na si Morly Alinio: "Nga naman, pagka ikaw ay nakakulong, hindi 'yung iniisip mo 'yung sarili mo, kung hindi 'yung paano na 'yung mga taong nagmamahal sa'yo,” 

Panoorin dito ang buong chika ni Fermin at kanyang mga kasamahan.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post