Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Seth Fedelin kaugnay sa nagsasabing ginaya raw niya ang pormahan ni Daniel Padilla.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Seth ay ibinahagi niyang ganoon raw talaga siya.

 “Sabi naman sa akin ng management, ‘Seth maintain mo ‘yan, maintain mo ‘yang pang-masa (look) mo. Ang inaano ko po kasi ay gusto kong maka-relate sa akin ang tao, mga bata na kahit ito lang suot ko, okay ‘yan. 

“Bakit ako magsusuot ng mamahaling sapatos, e, ayaw ko nga ng ganu’n. Isang beses mo lang masusuot tapos wala na (hindi na puwedeng ulitin) tapos ang mahal-mahal pati ‘yun nakikita nila pati buhok, kabuhok ko raw si kuya DJ. Anong gusto ninyo, magpakalbo ako?” 

“Minsan gusto ko na po silang sagutin na hindi ko sila ginagaya, minsan pag nasa loob ako ng bahay, kapag nagba-vlog ako, eto ako. Pag kausap ako ng mga tao, eto ako hindi ko ginagaya. 

“Actually nga po pag nakita ninyo si kuya DJ at tumayo sa harapan n’yo, napaka-manly niya po tingnan at ako po ay hindi ganu’n. Pag tumayo ako sa inyo para akong totoy, promise po ‘yan. Kapag nagsalita at nakipagkulitan ako mukha akong totoy, mukha akong lumaki sa kanal.” 

Panoorin dito ang buong interview:


1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
wag nio ng bigyan ng kulay kong ginagayaman ni seth c dj wala nakaungbpakialam mga maretes talaga humahanga lng siguro c seth sanka masaya go lng ✌✌
hi! po idol dj ingat po lagi
Previous Post Next Post