Binasag narin sa wakas ni Gerald Anderson ang kanyang katahimikan kaugnay sa tsismis na umanoy binuntis raw niya ang kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sa interview sa kanya ni Ogie Diaz nito lamang September 12 ay ibinahagi ni Gerald ang kanyang saloobin kaugnay sa nasabing tsismis.

Sinabihan ni Gerald si Ogie na sana raw ay pumutok ang nasabing tsismis sa paglabas ng kanilang Movie ni Kylie na Un-ravel.

Ayon pa kay Gerald, dapat raw maghintay ng siyam na buwan ang publiko para malaman kung totoo ba ang tsismis o hindi.

“Ikaw yata gumawa ng publicity no’n e. Sana nga pinalabas na agad ‘yung pelikula para sumabay do’n e. Hintayin natin nine months from now…

 “Tingnan natin nga nine months from now. ‘Yun ang sinasabi ko,” 

Samantala sa mga nakaraang interview, nilinaw ni Kylie na walang katotohanan ang tsismis na umanoy buntis siya kay Gerald Anderson.

Panoorin dito ang buong interview ni Gerald:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post