Masayang ibinahagi ng kapamilya singer na si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na magiging "Pappy" na siya ulit.

Sa kanyang post sa instagram nito lamang September 9, ay di maipaliwanag ni Gary ang kanyang saya na ibinalita sa publiko na magiging lolo na siya ulit.

Kalakip ng kanyang post ay ang larawan ng na nirepost niya mula sa kanyang anak na si Paolo at asawa nitong si Samantha.

“Can’t believe I’m going to be a Pappy once again!!!!! Yyyyyippe!!!!!!” simulang pahayag ng Kapamilya Singer 

Dagdag pa niyang mensahe, “I can’t say anything except how thankful I am for the gift of life, and the way God moved in revealing all this to us. 

“It can’t get any more heartwarming than this. Thank you @paolovalenciano @yosameti and @nataleiamartine for sharing this with everyone. I love you,” sabi pa ni Mr. Pure Energy. 

Samantala, sina Paolo at Samantha ay ikinasal noong February 2013 sa isang Christian Ceremony.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post