Ibinunyag ni Cristy Fermin na umabot raw ng tumataginting na kalahating bilyon o 500 million pesos ang kontrata na pinirmahan ni Toni Gonzaga sa AMBS2.

"Oy, alam mo na. It's all over the papers na ang kontrata raw na pinirmahan ni Toni Gonzaga sa AMBS2 sa ALLTV ay half-billion pesos o 500-million. Pang-ilang programa kaya ito? Ang alam ko dalawa eh. Baka madadagdagan, diba?” sabi ni Fermin

Samantala napa-sana all naman ang partner ni Fermin sa kanyang show nang malaman niya ito.

"“Grabe ito ‘Nay! Sana all talaga! Alam mo ngitngit talaga ang ibang dyortism. Hahahaha,” sabi ni Rommel 

Samantala nilinaw naman ni Fermin na hindi raw maituturing na pinakamalaki ang natanggap ni Toni dahil si Sharon raw ay tumanggap noon ng 1bilyon na kontrata sa TV5.

"Kung matatandaan mo ilang taon na ang nakararaan nu’ng pumirma si Sharon Cuneta sa TV5, one billion pesos ang halaga no’n. Kaya iyon talaga ang umalingawngaw. Kaya hindi na bago ang half-B (billion) na ito,” sabi ni Fermin


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post