Naglabas ng kanyang prangkang saloobin ang Sawsawera Queen na si RR Enriquez kaugnay sa mga "bastos" na mga komentos sa viral na video nina Liza Soberano kasama si James Reid at ang South Korean Band na The Rose.

Sa kanyang vlog ay ipinagtanggol niya si Liza. Aniya maganda raw yung video ngunit binigyan ng malisya ng ilang netizens.


"Parang for me, 'yung post lang naman nilang 'yon is just to have fun. Alam mo 'yun nakikisabay lang sila sa trend, and ang ganda-ganda nu'ng video ah.” sabi ni RR 

"Napaka-innocent ng face ni Liza Soberano and she herself is very innocent talaga. I mean, diba, napakatino nu'ng bata tapos lalagyan niyo ng ganu'ng kaanuhan,” dagdag pa niya habang pinagtatanggol niya si Liza 

“Alam niyo ang masasabi ko lang, siyempre dapat, bilang babae, especially me, as a Sawsawera Queen, sawsawera tayo pero with a heart. Gusto kong ipagtanggol si Liza Soberano bilang babae din ako. Kasi sana 'wag natin siyang ganunin.” pagpatuloy pa ni RR 

Panoorin dito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post