Gaya ng ordinaryong tao ay umaaray na rin si Judy Anne Santos dahil sa pagkamahal ng presyo ng puting sibuyas.

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Juday ang kanyang larawan ang niyayakap nito ang pagkamahal-mahal na sibuyas.


Sabi niya: "Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati kelangan ka munang hiwain bago maluha... ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ko sa presyo mo!” 

“Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ako, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!” dagdag niya pa.


Si Judy Ann Santos ay kilalang artista dito sa Pilipinas. Isa siya sa mga hinahangaang actress ng bansa dahil sa galing at husay nito sa pag-arte.

Si Juday ay may anak naring tatlo sa asawa niyang si Ryan Agincillo.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post