Tapat na inamin ng actor na si Joshua Garcia na ilang beses na nilang sinubukang magkita ni Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch.

Sa panayam ni Mj Felipe ay inamin ng actor na matagal na pala silang nakapagkwentohan ang dalawa.


"Nagkakausap kami. Parang June ata dapat magkikita kami. Pero hindi natuloy 'yung Star Magic tour ko. Hindi ako nakasama. So parang July 2 ata pupunta siya pero hindi rin naman so, hindi natin alam," sabi ng actor 
 
Kwento pa ng actor ay good friend sila ni Bella at hinahanap-hanap raw niya ang English ni Bella.

"May mga konting katanungan, hinanap ko pa 'yung English, pero nagta-Tagalog naman siya," sabi ng actor 

Hiniling din ni Joshua na sana ay magkita sila pag pumunta na dito sa bansa si Bella.

"Thank you and sana makita kita. Magpakita ka sa'kin. 'Di ba? Exciting!,"sabi pa ni Joshua 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post