Nagbigay na ng kanyang prangkang saloobin si Cristy Fermin kaugnay sa naging performance ni Herlene Budol sa naganap na Binibining Pilipinas 2022.


Si Herlene ay naging 1st runner sa nasabing patimpalak at nakakuha rin ng maraming awards.

Peru ay kay Fermin bagito pa raw si Herlene.

"May mga sumisigaw po na nabudol daw si Herlene Budol. Natural yun, Romel. Kapag ikaw ay talaga namang naniniwala ng isang daang porsyento sa iyong minamanok, masasaktan ka kapag hindi siya nakakuha nung pwesto na inaasahan mo. Pero alam mo, sa isang bagito, sa isang tulad ni Herlene na walang karanasan sa pagsali sa mga beauty contest, napakaganda ng ipinakita niya," 


Aniya kulang pa raw sa experience si Herelene.

"Ang sabi ko, 'Ang manok ko ay ang taga-Borongan, Samar at Cebu,' at yun nga ang mga nakakuha ng pwesto. Ang sabi ko, nakita ko rin yung dating ni Hipon, tanggapin po natin ang katotohanan, hindi po siya makakakuha dun sa apat, yun pang-international. Kapos pa po, kumbaga sa prutas, hilaw pa, pero sa kabila nun, nag-first runner up pa rin siya at ang dami dami niyang nakuhang special awards, matuwa na po tayo dun" sabi niya 

Dagdag pa niya: "Alam mo, kitang-kita mo sa postura ni Herlene na bagito talaga siya. Bagito talaga siya eh, lalo na nung sabihin niyang siya raw si Herlene Budol, 'I'm uniquely beautiful with a mission' gumanun pa eh," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post