Binuking ni Vice Ganda ang magkaibigang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario sa July 22 episode ng Its Showtime tungkol sa panliligaw ng dalawa kay Judy Ann Santos na nahantong raw na hindi nagkasundo ang dalawa.


Sa nasabing episode kasi ay ibinahagi ni Vhong na ang kanyang idol ay ang ama niya. Ngunit pabirong humirit si Vice na parang naiyak na raw si Vhong sa kanyang sinasabi.

"Mabilis lang tumulo ng luha mo parang si Judy Ann,” sabi ni Vice 

“Magandang umarte ‘yon!” sabi naman ni Vhong 

“Oo, magaling umarte si Judy Ann at saka ang ganda pa kaya nga pinag-awayan niyo ni Jhong dati,” hirit naman ni Vice


“Oo, pinag-awayan ng Streetboys [pero] ang nagwagi si Wowie [De Guzman],” sabi pa ni Vice 

“Dati pa ‘yun,” sabi naman ni Vhong 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post