Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz kaugnay sa umanoy pagparinigan nina Vice Ganda at Bayani Agbayani.


Ayon kay Ogie okay lang daw ang ganyang pagparinigan basta hindi lang daw lumampas sa guhit.

"Seriously speaking, ano naman yan, okay lang yun magparinigan sila. Healthy healthy naman yun mga ganyan, for as long as hindi sila lumalagpas sa guhit at they don't go overboard" sabi ni Ogie 

Ayon pa kay Ogie mas maganda raw ang ganun kasi macu-curious abg viewers at gustong manood sa kanilang shows.


"Ganyan lang yan. Mas maganda nga yun ganyan ano, maganda yung parinigan, healthy lang yang ganyan. Para rin ma-curious ang mga tao, panoorin sila everyday. Yung back-to-back nila panoorin, diba?" sabi ni Ogie 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post