Kinumpirma na ng talent manager na si Ogie Diaz na matagal ng hiwalay sina Pokwang at kanyang foriegner partner na si Lee O'Brien.

Sa kanyang Showbiz Update vlog, ay ibinunyag ni Ogie ang tungkol sa hiwalayan ni Pokwang at kanyang partner.


"Noon ko pa 'to alam [pero] bilang paggalang kay Mareng Pokie na makakaasa siya na hindi natin ito babanggitin," paliwanag ni Ogie.

"Since lumabas na 'yan, e kasi kailangan din naman nating linawin ang ganyang issue bago pa magsanga-sanga," dagdag ng show biz writer-vlogger-talent.

Kwento ni Ogie, last year pa raw naghiwalay ang dalawa.

"Iyan po ang totoo, last November 20, 2021 pa wala na, hiwalay na si Pokwang at Lee O' Brien," sabi ni Ogie


"Kaya si Papang Lee ay nagsosolo ng tirahan at siya'y may hanapbuhay yata. At nakatakdang umuwi si Papang sa US," dagdag ni Ogie.

Samantala nasa poder naman ni Pokwang ang kanilang anak na si Malia.

Panoorin dito'


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post