Ipinakilala na rin sa wakas ni Martin Nievera ang kanyang non-showbiz girlfriend sa publiko.

Sa panayam ng Pep.ph kay Martin ay inamin nitong 13 o 14 years na silang magkarelasyon ng kanyang girlfriend na si Anj del Rosario.


Matagal na raw silang magkakilala ni Anj dahil pareha raw sila ng tinitirhang exclusive village sa Muntilupa City.

Nagkakilala raw sina Martin at Anj nang magkaroon ng gatherings sa kanilang village at inaming niya nagkaroon sila ng heart to heart talk.

"Yeah, yung problems with our relationships. Yung parang lonely hearts band?

"And then, that’s what we realized—ang dami kaming in common," kwento ni Martin sa interview ng Pep.ph sa kanya 

Naitanong rin kay Martin kung may plano ba silang magpakasal. Sagot niya: "Eventually, yeah. But I haven’t popped the question." 

Inamin rin ni Martin na mayroon ng anak si Anj at ngayon ay 23 years old na.


Sabi pa ni Martin, sobrang supportive understanding raw ang kanyang girlfriend kaya sila nagtagal.

Iniiwasan rin daw ni Martin ang pambabash kaya hindi niya isinasapubliko ang kanyang relasyon.

"But she and I have both a great relationship. I never had a better relationship because she’s so patient.

"She’s so behind the scenes, which I’m not saying that the guy has to be in front of the scene.

"I’m just saying, in my world, I’ve been lying about her to all of you for so long, 'cause I’ve been trying to protect her from us, from our world, our expectations, so many questions."

 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post