Nagbigay na nga kanyang reaksyon ang talent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa kalagayan ngayon ni Kris Aquino. 

Sa kanyang latest showbiz update vlog ay tinalakay nila ang tungkol kay Kris.


Ayon kay Ogie, hindi raw ikinahihiya ni Kris tungkol sa kanyang itsura ngayon. 

 "Syempre, nakita naman natin yung itsura ni Kris, hindi niya ikinakahiya kung ano yung itsura niya," sabi ni Ogie 

Ayon kay Ogie ay sana huwag daw pagtawanan si Kris

 "Wag na po nating itukso o ilait pa kay Kris, pasalamat kayo hindi nangyari sa inyo yan."dagdag pa ni Ogie 
 
Umaasa naman si Ogie na sana ay malampasan ni Kris ang kanyang pagpapagamot.


"Sana malampasan niya lahat ng mga treatments, diba? At na humaba pa ang buhay niya" 

Samantala nagbigay rin ng mensahe si Ogie sa mga patuloy na nambabash kay Kris.

"Hindi, kayo yung naghahanap ng atensyon kasi unang-una, binasa niyo so problema niyo yan, diba? Kung di niyo binasa yan, eh di hindi kayo maaapektuhan," 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post