Tinawag na bobita at walang kwentang starlet ni Lolit Solis ang actress na si Ella Cruz dahil sa sinabi nitong parang tsismis lang daw ang history.


Sa "Take it! Take it! Me Ganun!" show ni Lolit kasama si Mr. Fu ay nagapag-usapan nila ang controversial na pahayag ni Ella.

Sa naturang show ay hiningan ng opinyon ni Mr. Fu si Lolit kaugnay sa sinabi ni Ella.

Sabi ni Lolit: "Alam mo bilib ako sa utak niya. Imaginin mo, isa siyang walang kakuwenta-kuwentang starlet, na ngayon ay pinag-uusapan na.

"Ang galing. Sinong makakaisip nun? Tinalbugan niya talaga lahat.  

"Nag-react lahat. Kasi ‘di mo akalain na may isa pa lang bobita, ganito pala kabob*ng tao" 


Samantala pinayohan naman ni Mr. Fu si Ella.

“Basta Ella Cruz, alamin lang natin, ang history ay history, at ang chismis ay chisimis magkaiba yun. Kasi history ay based on facts, ang chismis, ito nagchi-chismisan tayo. Magkaiba ‘yun, hindi pwedeng magka-intertwine kaya ka nag-trending.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post