Pinasalamatan ni Lolit Solis ang Darna Star na si Jane de Leon matapos nitong padalhan si Lolit sa ospital.


Natouch raw si Lolit dahil kahit hindi sila magkakilala ay binigyan siya nito.

"Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magka kilala.

"So touching para sa akin dahil nag effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa. 


"Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star. Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. 

"Tiyak na magiging important star si Jane de Leon. At itong ugali niya na nagri reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya. Thank you Jane, well appreciated  salamat" sabi ni Lolit

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post