Binanatan ni Lolit Solis ang mga basher ni Kris Aquino na pumuna sa suot nitong pearl neclace  na makikita sa kanyang viral post.

Ayon kay Lolit pangontra raw sa sakit ang mga suot na perlas ni Kris Aquino.


"Marami nagri react duon sa suot ni Kris Aquino na pearl necklace. Akala ng iba, bakit maysakit na, naka south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay," aniya.

"Hindi nila alam na may feng shui (expert) na nagsabi kay Kris Aquino na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas," dagdag niya.

Dagdag pa niya: "Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwede absorber ng ating katawan. Kaya dahil naniniwala dito si Kris lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet."


Hinihikayat naman ni Lolit ang publiko na ipagdasal si Kris na ngayon ay patulot na nakikipaglaban sa kanyang sakit.

"Basta all prayers for the Aquino, Kris, Joshua and Bimby. Gagaling sila at magiging healthy dahil marami ang nagmamahal sa kanila. More prayers please," 


2 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Anonymous said…
Lord sna po bigyan nyo pa po ng biyaya ng kagalingan s knyang sakit c kris aquino alang alang po s knyang 2 anak naniniwala po ako sa inyong kapangyarihan na magpagaling s mga may sakit pki hipo po ninyo c kris ng iyong mapagpalang kamay wala pong imposible s inyo Lord . Thank you po Lord
Anonymous said…
Extend your healing hands o Lord and heal your daughter Kris Aquino. 🙏 for her fast recovery. In Jesus Christ our Lord and our Blessed mother Virgin Mary amen.
Previous Post Next Post