Tapat na inamin ng dating PBB housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno kung ano ang kanila ngayon relasyon.


Maalala na naging usap-usapan ang dalawa dahil sa sweet moments nila sa Pinoy Big Brother noong sila ay housemates.

Sa isang panayam para sa kanilang  iWantTFC original series na “Beach Bros” ay ibinunyag nila ang tunay na namamagitan sa kanila.

Ayon kay Kyle magka-ibigan lang daw sila.

“Magkaibigan lang po talaga kami. It has always been like that since PBB. Siyempre, may mga nakikita po ng mga fans, ginawan po ng twist, of course, may mga kilig moments na nakikita po sa PBB, pero ever since naman po talaga, hanggang ngayon magkaibigan lang po talaga kami,” pahayag ni Kyle. 


Samantala mapapanood ang kanilang series sa darating na Hulyo 16.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post