Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang action star na si Jeric Raval sa balitang buntis umano ang anak niyang si AJ Raval.


Kamakailan kasi mainit na pinag-uusapan ang si AJ matapos buong tapang na kinumpirma ni Cristy Fermin na sinabihan umano siya ng kanyang source ns buntis si Aj.

Sa guesting ni Jeric sa Lunch out Loud, nitong huwebes July 21, ay tinanong siya tungkol sa kanyang anak.

Tinanong siya ni Matteo Guidicelli ng:"I have a daughter, may mga tsismis, how do you push it aside kasi focus ka lang sa trabaho mo?" 

Sagot ni Jeric, nakakastress lang daw ang mga ganitong intriga kay di na niya ito pinapansin.


"Well, gaya noong bago-bago akong nag-aartista, pag ganoong mga intriga, pasok lang dito, labas doon.

"Kasi kasama 'yan sa pag-aartista. Sa showbiz, kasama 'yan. 

"Kung hindi ka handa diyan, hindi para sa 'yo itong trabaho na 'to." 

Tila sanay na ang actor sa mga intriga kaya parang hindi na naapektuhan ang actor sa tsismis na nagdadalangtao si AJ.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post