Inalmahan ni DJ Loonyo ang ginawang ni Janine Berdin na kung saan ginawa niyang cover photo ang viral na meme ni Loonyo tungkol sa Airport na kung saan palita raw ang pangalan ng NAIA na "DJ Loonyo International Airport." 


Tila hindi ito nagustuhan ni Loonyo kaya nagpadala siya mensahe kay Janine.

Sabi niya:  "Ma'am sorry [praying emoji] 

"May natitira pa po ba kayong respeto? may nagawa ba ako sayong mali?" 

Sumagot naman si Janine at nagpaliwag na nagbibiro lamang ang singer.

Sabi niya: "Hello po! It's really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn't really mean any harm. 

"Ano po kaya context ng meme? :) i just thought it meant to change the name of the airport to you like poking fun :D" 

Tatanggalin raw ni Janine ang nasabing meme kung hindi raw ito nagustuhan ni Loonyo.


Ngunit tila hindi nagustuhan ni Loonyo ang paliwanag ni Janine sa katunayan ay in-screenshoot niya ang kanilang convo at ipinost ito.

Sabi pa niya:"Pag kayo ginanyan ISSUE, HEADLINE AND BASH AGAD. 

""Nakakatakot yung utak ng mga gantong tao [thumb's down] 

Katuwaan? Tapos binabash and pinagttripan yung taong involved?"@janineberdin Ur better than that for sure. Godbless your soul. Weird sh*t." 

Sabi pa ni Loonyo kay Janine "RESPETO NA LANG SANA."  

Samantala nagreact naman si Janine matapos isinapubliko ang kanilang pag-uusap. 

Ayon kay Janine satire ang meme na iyon.

Dagdag pa niya: "People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk shit and laugh at me as well. 

"I'm not saying that's what the meme was doing kasi it wasn't meant to be degrading at all.. but yeah! It's what comes along when you're a public figure. no big! smile po kayo!" 










Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post