Tapat na inamin ng actress na si Andrea Brillantes na hindi raw niya inasahang mainlove sa kanya ngayong boyfriend na si Ricci Rivero.


Sa panayam niya kay Karen Davila ibinunyag ni Andrea na ayaw raw niya sa basketball player dahil sa sabi-sabing mga manloloko raw ang mga basketball player. 

Ngunit narealize raw niya na hindi ganoon si Ricci at pareho raw silang mahilig sa Astrology.

"Hindi po ako mahilig sa basketball player... Sabi kasi nila, manloloko. 'Yung mga ganyan. Kaya sabi ko, hindi na. Ayaw ko na nga ng another heartbreak." 


"Nung nakita kong nagpo-post siya sa IG [noon], magka-follow kami doon. Tungkol sa astrology, eh mahilig [din] ako doon. Sabi ko, 'Uy mahilig ka pala diyan.' Tapos sabi niya, 'Yeah.' Tapos hindi na ako nag-reply, nakalimutan ko." Kwento ni Andrea 

Panoorin dito: 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post