Labis ang tuwa ng social media celebrity na si Whamos Cruz ng malaman niyang buntis ang kanyang girlfriend na si Antonette Gail del Rosario.


Sa video na kanyang pinost sa facebook ay makikita na walang mapaglagyan ang saya ni Whamos habang hawak-hawak nito ang pregnancy test kits.

"Masayang-masaya ako, guys. Mula labas hanggang loob ng bahay namin kaya kong isigaw sa buong mundo na mayroon na kaming baby ni Antonette," sey ni Whamos


May pakiusap naman siya sa mga netizens para sa kondisyon ng girlfriend.

"Sana maging masaya na lang tayong lahat, kasi ako masay e. Sana 'wag n'yo kaming i-bash, guys!" sabi niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post