QC Council idineklarang Persona Non Grata sina Ai Ai delas Alas at Darryl Yap

 

Naghain ng resolusyon si Outgoing Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman para ideklara sina AiAi delas Alas at Darryl Yap  persona non grata dahil sa diumanoy pambabastos nito sa  triangular seal ng QC na inaprobahan  ng QC Council base sa report ng Inquirer.

Sa video kung saan pinagbibidahan ni Ai-Ai ay makikitang makikitang nilagyan ng "BBM" at "SARA" ang magkabilang sulok ng triangular seal ng Q.C. Isa itong campaign video para kay Mike Defensor base sa report ng News 5.

Kaya naman tinawag ni Lagman ang attention ng content creator na bahagi sa nasabing video lalo na sina Darryl Yap at Ai-Ai delas Alas na magsorry sa mga residente ng Quezon City.

"I am calling all the content creators, especially Mr. Darryl Yap and Ms. Ai-Ai delas Alas, and many others who were part of this project, to apologize to the citizens of Quezon City for debasing and bastardizing the beloved seal of Quezon City," sabi ni Lagman

"It is a great disrespect and disregard of the laws of our land to superimpose the said seal just to campaign for a politician..." dagdag pa niya 


Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement