Talagang di mapigilang supalpalin ng actor na si Jake Cuenca ang kanyang basher na nagsasabing lalaki naman daw ang kanyang jowain.


Kamailan lang ay nagpost si Jake ng appreciation para sa kanyang ka-loveteam na si Iza Calzado sa kanilang upcoming series na K Love. 

Ngunit sa comment section ng post ng actor ay may isang netizen ang nagkomento at sinabihan siya na subukan naman daw niya na lalaki ang gawing karelasyon dahil malas daw siya sa babae. 

“Sa susunod na lovelife mo @juancarloscuenca lalaki naman jowain mo malas ka sa babae sayang pang asawa kana sana haha”sabi ng netizen kay Jake 


Agad naman itong sinagot ng actor: “sa susunod mong troll account mag post ka naman ng photos para Pwede ka namin pagtawanan.” 

Sumagot pa ang nasabing netizen at sinabihan si Jake ng:  “Boss wag galit agad [laughing emoji] hindi naman ako ng babash napansin ko lang kasi puro break ka lagi baka malay mo sa lalaki ka talaga lods.” 

Hindi na sumagot si Jake sa nasabing netizen.

Photo Screenshot from: PEP.PH 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post