Proud na ibinida ng komedyanteng si Ogie Diaz ang bagong niyang achievement sa buhay.

Sa kanyang post sa facebook ay ibinahagi ni Ogie ang nabili niyang berdeng sasakyan.


Sabi niya sa kanyang post:

"35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon.

Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago.

Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver.

Ang tagal ko pang nag-decide.

Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong charger."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post