Viral ngayon sa social media ang hugot na linyahan ng character ni Shaina Magdayao sa seryeng Ang Probinsyano.

Sa madamdaming episode nito lamang June 8, ay tila nawalan na ng pag-asa ang Task Force Agila  matapos mapasakamay ng kanilang kalaban si Cardo Dalisay(Coco Martin).


Kaya naman pinursigi ng karakter ni Angel Aquino na si General Diana Olegario  na huwag panghinaan ng loob ang kanyang mga kasama.

“Akala ko ba mga Agila kayo? Nawala lang si Cardo, nalimutan n’yo nang lumipad. Ayaw n’yo nang makipaglaban, ngayon pa ba?”sabi ng karakter ni Aquino 

“Hindi n’yo ba narinig ‘yung sinabi ni Cardo kay General Borja, huwag nating itigil ang laban na ‘to, ipagpatuloy natin. Hindi ito ang panahon para panghinaan tayo ng loob. Tayo na lang ang lumalaban para sa bansang ito. Tayo na lang,” :dagdag pa niya 

Ngunit napa-react dito si ang karakter ni Shaina Roxanne Opeña at tila may dala itong hugot.

“Pasensiya na, general! Pero ang tagal na nating ipinaglalaban kung ano’ng pinaniniwalaan natin, pero pilit tayong isinusuka ng bansang ‘to!” sabi ng karakter ni Shaina


"Pagod na pagod na akong makipaglaban. Gusto ko na lang bumalik sa pamilya ko. Sila yung pinaka-importante sa akin ngayon,” dagdag pa nito 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post